SI KUYANG BULAG

PAG-IISIP

“Bulag ka ba?”, biro ng kaibigan ko sa akin, sabay tawa nang malakas.

May itinuturo kasi siya na hindi agad na-process ng utak ko. Nakita ko naman pero sa hindi ko malamang dahilan, parang hindi ko naintindihan ang sinasabi niya nung oras na iyon.

Hindi ako bulag noh!

Sa isip ko lang sinabi ‘yon. Wala kasi ako sa mood na mangulit no’n. Parang kulang ako sa tulog. Pero di ko malaman kung bakit sa dinami-daming beses na akong biniro ng kaibigan ko nang gano’n, noon lang ako napag-isip nang mas malalim.

20/20 ang vision ko. Kahit sinasabi ng mga gumagawa ng eyeglasses na kailangan ko daw magsuot no’n dahil may astigmatism ako, parang ayokong maniwala. Sabi kasi ng kapitbahay kong ophthalmologist na huling tumingin sa mata ko, “Malinaw pa yan sa eroplano, iha!” Di ko naintindihan pero siguro ang ibig niyang sabihin, kahit napakalayo ng eroplano, pwede kong makita. Hula ko lang iyon at kahit hindi ko talaga alam ang ibig niyang sabihin, nagtitiwala ako sa kanya..

PAGBABA

Sa pag-iisip ko, naalala ko tuloy yung lalaking bulag na nakasabay namin minsan ng kaibigan ko noong unang lingo ng Disyembre sa MRT Station sa Buendia. Hindi ko sya makakalimutan. Noon ko pa gustong sumulat nang tungkol sa kanya pero ngayon ko lang natupad. Nasa harapan namin siya noong bumababa kami sa hagdanan. Magkahawak pa kami ng kamay habang mabilis na naglalakad. Male-late na kasi kami sa pupuntahan namin. Pero yung lalaki, mag-isa, mabagal, at may tungkod siyang hawak.

Habang bumababa, napansin naming mabagal sya at may sukat ang bawat hakbang nya. Noon ko na-realize na bulag pala sya. Nasilip kong wala syang suot na shades. Bare ang mga mata nya. Namangha ako sa kanya nang sobra.

Hindi man lang siya humawak sa railings. Sabagay, hindi naman niya siguro alam na may railings doon. Malamang may nagsabi lang sa kanya na pababa na sya. Pero walang tumutulong sa kanya. Mataas ang hagdanang iyon pero parang hindi niya kailangan ng tulong ng iba. Napaka-independent nya. Kinakapa lang niya gamit ang tungkod na hawak niya ang bawat hakbang. Kami naman, tahimik na sumusunod.

Parang sa sobrang pagkamangha namin, di namin malaman kung tutulungan namin siya. Sa oras na iyon, alam naming habang bumababa siya sa hagdanan ay mas makabubuting hindi na namin siya pakialaman. Alam niya ang ginagawa niya. Consistent ang bawat hakbang nya. Baka magulat lang sya bigla. Baka mahulog lang kami pare-pareho pag sinubukan pa naming siyang akayin. Pwede na sana kaming mauna pero pinili naming sundan sya.

PAGTAWID

Nakababa nang matagumpay si Kuya. Pero hindi doon nagtapos ang delikado niyang lakad. Kailangan pa kasing tumawid bago makarating sa sakayan ng jeep. At napansin naming doon siya nahirapan. Wala kasi yung pulis–pulisan doon nang oras na iyon.

May napakabilis na kotseng parating pero tuloy-tuloy siya sa paglalakad. Nagkatinginan kami ng kasama ko at mabilis siyang kumilos. Bigla niyang inakay si Kuya sa kaliwang braso. “Tulungan ko na po kayo.”, sabi ng kaibigan ko. Parang batang sumunod lang si Kuya. Hindi siya kumibo. Hindi siya nagpumiglas.

Napansin kong medyo nahirapan siyang maglakad dahil hindi niya malaman kung paano na niya ipangkakapa ang tungkod niya. Sa oras na iyon, parang bigla syang nalito. Hindi ko alam kung dahil hindi niya alam kung saan siya dadalhin ng nakahawak sa braso niya o dahil hindi lang talaga sya sanay nang inaalalayang tulad no’n.

Naging proud ako sa kasama ko. Habang naglalakad sila, nakatingin lang ako. Nagpahuli na kasi ako. Tuwang-tuwa ang kalooban ko nang oras na iyon.

Nang makarating na kami sa sakayan ng jeep, dahan-dahang binitiwan na siya ng kasama ko. Sabi niya, “Dito po ang sakayan. Ingat po kayo. God bless you po.” At sa nanginginig niyang boses, sabi ni Kuya, “Salamat.”

Hindi na kami kasya sa jeep na nasakyan nya kaya hindi namin nalaman kung saan sya papunta.

PAGTATANONG

Nang makasakay na rin kami, obvious ang pagka-ovewhelm namin ng kaibigan ko sa nangyari. Napakaraming tanong sa isip ko. Ang isa sa mga malakas kong nasabi:

“Hindi ba nasagasaan yung bulag na singer na si Willie Garte, yung kumanta ng Bawal na Gamot?”

Naalala ko lang. Na-hit-and-run yun. Hindi ko na maalala ang isinagot ng kasama ko pero parang pareho pa din kaming tulala. Tulala pero masaya pareho.

Saan kaya pupunta si Kuya?

Naisip ko rin, pa’no kaya ang buhay ng mga tulad nila? Napaka-vulnerable. Pa’no kung wala palang mabuting intension yung humila sa kanya?

Ang tapang ng mga tulad ni Kuya. Napakalakas ng pananampalataya nya.

Naalala ko din tuloy yung mga bulag na masahista sa Philcoa nung college ako.

Naisip ko rin ang tita kong hindi na halos makakita dahil sa Diabetes.

Naisip ko, ano kaya ang pakiramdam nang walang paningin? Ang ganda at napaka-makulay pa naman ng paligid.

Yun ang moment kung kailan nagpasalamat ako sa Diyos sa paningin ko at sa pagkakataon at pribilehiyo na makita ang lahat ng nilikha Nya.

PAG-IISIP

“Bulag ka ba?”, biro ng kaibigan ko.

Ang totoong dapat maging sagot ko, OO.

Madalas, bulag ako sa mga dapat kong nakikita…

Hindi ko naappreciate ang mga tao at bagay na dapat kong ipagpasalamat. Hindi ko napapahalagahan ang mga maliliit na bagay na ibinigay ni Lord sa akin o maging ang mga simpleng bagay na ginagawa ng mga taong nagmamahal sa akin. Laging mali nila ang nakikita ko. Laging yung mga hindi masyadong magandang ginawa nila sa akin ang binabalikan ko.

Bulag ako sa mga mabubuting pagbabagong nagaganap sa kasalukuyan. Laging nakalipas ang tinitignan ko. Laging sarili ko ang iniisip ko.

Bulag ako sa masasayang bagay na nangyayari na ngayon, dahil naghahanap pa ako ng mas masaya pa kaysa dito.

Lagi ko nalang inililibot ang mga mata ko kahahanap ng mas malaking mga bagay na dapat kong ipagpasalamat gayong nasa harap ko na ang mga bagay na dapat kong ikatuwa.

Laging negatibo ang pananaw ko sa mga ginagawa ng kapwa ko at hindi ko nakikita ang mga positibo–kahit pa mas marami ang mga ‘yon– dahil isinasara ko na ang paningin at pag-iisip ko.

Bulag ako sa pangangailangan ng kapwa ko. Lagi kong hinahanap ang makakapagpasaya sa akin pero madalas, hindi ko naiisip na kailangan ko din pasayahin ang mga taong nagpapasaya sa akin.

Bulag ako sa katotohanan na napakapalad ko sa mga bagay na mayroon ako sa kasalukuyan. Napakarami ko pang sinasabi pero madalas, simpleng “salamat” lang naman ang dapat kong sabihin.

Madalas nagbubulag-bulagan din ako sa maraming bagay…

Minsan, gusto ko lang makita ang gusto kong makita. Pinipili ko lang ang dapat kong pahalagahan.

Apathetic din ako minsan sa mga isyu sa paligid na dapat kong binubusisi at inaaksyunan bilang responsableng Pilipino. Takot din siguro ako sa maraming bagay na nakikita ko at naririnig. Di tulad ni Kuya na kahit hindi niya nakikita ang dinadaanan nya at alam nyang tiyak na may panganib, tuloy pa din siya.

Marami akong natutunan kay Kuya.

Si Kuya, walang paningin pero may focus. Bawat hakbang nya may sukat. Naisip ko, kung sumobra siguro siya ng one inch lang habang bumababa sya sa hagdanan, maaring nahulog sya. Pero hindi nangyari yun.

Sana ako rin may focus.

Mayroon lang sigurong isang aspeto sa bawat buhay ng tao kung saan KAILANGAN nating maging bulag. Naalala ko ung awit ni Freddie Aguilar na ni-revive ni Yeng Constantino–Bulag, Pipi, at Bingi:

Madilim ang iyong paligid
Hatinggabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sayo’y
Pinagkaitan
Huwag mabahala kaibigan
Isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan
Ligtas ka sa kasalanan.

Naisip ko, napakabuti talaga ng Diyos!